Wednesday, July 8, 2015
WALA AKONG TRABAHO PERO MASIPAG AKO?
PAANO BA MAGKAROON NG NEGOSYO
Marami sa atin ang gustong mag negosyo, pero di natin alam kung paano mag simula at wala tayo puhunang malaki para maitayo ang business na gusto natin katulad ng franchise pero may mga ibang paraan para sa mga katulad nating newbie na kaadalasang nag sisimula lang sa puhunang 1,000 o minsan pa nga wala. tyaga lang at laway lang ang puhunan mo samahan mo rin ng lakas ng loob tiyak na ang tagumpay mo kaibigan!
Unang una bago ka magtayo ng Business kailangan mong hanapin yung hilig mo sa isang bagay sabi nga nung nakausap ko "kahit IPIS ibebenta ko dahil hilig ko ang makipagusap sa tao at magbenta" lahat pwedeng pagkakitaan kahit ipis pa yan o daga! eh kung yun ang hilig mo bakit kita pipigilan. wala namang nagsimula sa malaki ka agad yung kita nag simula pa nga yung iba sa piso piso o minsan BREAKEVEN ika nga kahit nag EQUAL lang yung gastos at kita mo ok lang basta operational parin yung business. hindi porket nag bubusiness ka expected mo na tutubo agad minsan may time na LUMALAGO ka at minsan na LULUGI ka wag ka mawalan ng pag asa dahil tingnan mo namn dating nagsimula ka sa maliit di mo na namamalayan dumadami na ang mga kakilala mo.
JUNKSHOP
Isa sa paraan na kahit wala kang puhunan dito ay kikita ka mag ipon ka lang na mga bote, karton papel at bakal isa sa mga pangunahing binibili ng Junkhop plus timbangan yan may junkshop ka na kahit siguro 15,000 pwede ka na mag simula basta tyaga lang bilhin mo yung mga Junk ng kapitbahay mo tapos ibenta mo ng sa JUNKSHOP na MATATAS BUMILI ng Junk mo. tutubo ka na.
FISHBALL VENDOR
1 ,000 lng pwede ka namn mag simula basta may bisikleta ka at sidecar pumesto ka lang sa matataong lugar katulad ng school at simbahan tyak na kikita ka na.
KARINDERYA
patok ito sa mga mahihilig magluto ng masasarap na pagkain kadalasan mabenta ito sa mga School at factory site kung dahil ang mga workers at student at naghahahanap ng MASARAP na TIPID at nakakaBUSOG malaki din ang kikita in mo dito
LUGAWAN/MAMIHAN
Dito mo masasabing "TUBONG LUGAW ka pag nalaman mo bukod sa matipid ang punhunan malaki rin ang balik sa yo dito. patok ito sa mga driver at maaagang pumasok at late ng nakakauwi ng bahay kung baga pang tawid gutom lang. basta masarap at mura dagdagan mo lang ng ibat ibang toppings
PHOTOCOPY/ PRINTING SHOP
maganda rin itong pagkakitaan dahil printing lang ang gagawin. bibili ka lang ng Photocopy Machine at computer plus Bond paper yun may business ka ng printing shop syempre target nitong Schools, Universities and establishment na nangangailangan ng printing shop.
ELECTRONIC SHOP
sa mga mahilig mag buting ting at may alam sa electronics pwede ka magtayo ng sarili mong shop.
CAR WASH
kung mag tatayo ka nito kailangan mo lang ng vaccum at air pressure machine konting research lang sa mga kakilala mong may auto shop para ma advicesan ka tungkol sa mga sasakyan.
COMPUTER SHOP
Malakas ito ngayon dahil usong uso at maraming gumagamit ng internet, di mo namn kailangan ang maraming computer, magsimula kamuna sa sa 3 tatlo apat yan kikita ka na.
marami pang ibang pwedeng pag kakitaan basta alam mo ng tumutubo kahit piso piso atleast nadadagdagan parin yung nilabas mong puhunan. ano pa inaantay mo magsimula na.
Subscribe to:
Posts (Atom)